Pagsusuri sa parabulang "Nakaiwas si Melchezidek sa Bitag"

I. Pagkilala sa may-akda.

Ang nagsulat ng akda ay si Giovanni Boccacio, at ang nag – udyok sa kanya para sulatin ang parabula ay ang relihiyon, na dapat walang piling tunay kung ano ang maganda at totoong relihiyon. Dapat pantaypantay ang relihiyon, bigyan ng kahalagahan ang bawat relihiyon, hindi kailangan mamili kung anong relihiyon. Kung ano ang gusto ng iyong puso pero kailangan manatili sa isa. Karapat dapat na respetuhin ang bawat relihiyon.


II. Uri ng Panitikan

Ang uri ng panitikan ng akdang “Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag” ay isang parabula, naglalayon ito na magbigay o magturo ng espiritual na aral. Taglay din nito ang mga karaniwang elemento ng kuwento.



III. Layunin ng Akda

Ang akda ay naglalayon na kahit ano man ang relihiyon mo, ito’y tama, ito’y tunay dahil wala namang relihiyong hindi tunay.


Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan


MORALISTIKO – Dahil ito ay nagpapakita ng mga natutunan na magandang asal.
Katulad din ito ng tatlong dakilang relihiyon na Hudaismo, Kristiyanismo, at Islam. Ang mga taga – sunod ng bawat relihiyon ay itinuturing na karapat – dapat na tagamana ng katotohanan ng Diyos.  



IV. Tema o Paksa ng Akda


ito ay makabuluhan at mapapanahon kasi sa panahon ngayon ay maraming tao ay masungit o masyadong sakim pero ang iba pag alam nilang masama at hindi dapat gawin, sila yung mga taong may pusong tumulong sa kapwa nila at siyempre minsan, hindi na nila kailangan humingi ng kapalit kaya mabilis na maiintindihan ng mga tao ang istorya kasi nagawa na nila iyon at iyon ang gustong ipakita ng may akda. 


V. Mga Tauhan/Karakter sa Akda

SALADIN – anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan. Siya ang nanghiram ng pera kay Melchizedek. Hindi nagtagumpay ang kanyang ang panloloko kay Melchizedek.

MELCHIZEDEK – anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan. Siya ang mayamang hudyo ng Alexandria ngunit kuripot. Siya din ang hiniraman ni Saladin ng pera.

3 PRINCIPE – mga taong nabuhay. Pinamamahanan sila ng 3 singsingng kanilang ama ngunit hindi nila makuha ang titulo ng kanilang mga pag-aari, dahil hindi matuklasan ang tunay na singsing sa tatlo kaya wala itong kalutasan.


VI. Tagpuan/Panahon

Nangyari ang parabula sa Alexandria, na kakatapos lamang ng digmaan kaya't kinakailangang mang-hiram ng pera ni Saladin.


VII. Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari

Ang mga pangyayari na inilalahad sa akda ay kakaiba dahil may panibago pang kwento na ipinasa kahit na may pinasok na kwento may pagkakaisahan pa rin ang simula at wakas ng kwento

VIII. Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda

Hindi mahalaga kung ano ang tunay sa mga singsing sa halip ang malaki pagmamahal na nakapaloob dito, at maaari nating maisasalamin ang kaisipan na ito sa tatlong relihiyon, hindi mahalaga kung ano ang tunay na dakilang relihiyon, sapagkat ang totoong mahalaga ay lahat sila ay iisang may pananampalataya.


IX. Estilo ng Pagkakasulat ng Akda

Maaari, sapagkat ito ay ginagamitan ng tamang simbolismo.


X. Buod

Nagsimula ang parabula tungkol sa isang sultan, si Saladin, na naubusan ng pera dahil sa mga digmaan at dahil narin siya’y may magandang loob. Naisipan niyang manghiram ng pera kay Melchizedek, isang hudyo na kilala sa pagiging kuripot. Nag – iisip siya ng paraan para mapahiya ang hudyo para siy’y mapahiram ng pera. Alinsunod sa plano niya, tinungo niya ang palasyo ni Melchizedek. Tinanong niya ang hudyo,Ano ang totoong dakilang relihiyon? Hudaismo, Kristiyanismo, o Islam?” Alam na ng hudyo na dadalhin siya sa isang debateng di niya mapapanalunan. Nagkwento siya patungkol sa tatlong magkakapatid na binigyan ng singsing lahat sila, at ang leksyon ay hindi kung alin ang tunay, lahat ito ay tunay, tulad ng tatlong dakilang relihiyon. Napagtanto ni Saladin na nakatakas sa bitag niya ang hudyo. Kaya nangutang siya rito. Nabayaran niya itong buo. Dumaan ang taon, at sila’y naging matalik na kaibigan

Comments

Post a Comment